Sunday, October 25, 2009

WFP: World Full of Politics

WFP, ibig sabihin World Food Programme at puede ring WFP: We Feed for Peace kung United Nations ang pag-uusapan. Eh, Kung Candaba? Sa nangyaring eksena kamalawa lumilitaw na ang WFP ay World Full of Politics.

Bakit naman? Kasi naman Aling Iska, nakakatuwa ang photo ops ni Pangulong Gloria kamakalawa sa Candaba. Bakit Aling Iska? Ang magkakalaban kasi sa pulitika ay pumapel at umeksena, gustong makapagpalitrato. Na kasama si Gloria? Mukhang hindi. Eh sino? Kay KC, anak ni Gabby. Siyempre, artista, anak ni Sharon Cuneta.

Pero siyempre, nagpalitrato rin sila with Ate Glo na maaaring gamiting good propaganda para magpapogi at maliitin ang iba.

Ano ba ang nangyari? May okasyon si Kuyang Jerry. Nagdonate kasi ng relief goods ang United Nations sa pamamagitan ng World Food Programme na maaaring pakinabangan ng mahigit sa dalawang libong Candabenios sa loob ng tatlong buwan. Ba!!! Maganda ang balita, Aling Iska. Kaya naman brod, ito ay agad na kumalat sa apat ng sulok ng lupa. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa. Nakarating sa kaalaman ng ating kaibigang Konsehal na si Andy Gulapa.

Kaugnayan ng magandang balita, sinikap ni Kuyang Jerry na imbitahin si Pangulong Gloria para pasalamatan ang mga opisyal ng United Nations sa kanilang World Food Programme. Siyempre, malakas si Kuyang Jerry kay Aling Gloria, este Pangulong Gloria at importante din naman na makarating siya sa Candaba para pasalamatan ang mga dayuhang kinatawan ng UN at siyempre para makumusta na rin ang kanyang mga cabalen sa Candaba.

Ang daming tao Aling Iska, hindi mahulugang karayom ang Covered court dahil nga may libo-libong relief commodities at naroon din si KC, ang anti-hunger national ambassador. Napakagandang okasyon para pag-usapan para sa pangkabuhayan at maging sa usapang pampulitika dahil malapit na at nasa mga pintuan na ang halalang 2010.

Aling Iska, ang dami mong pasakalye. Ano ba talaga ang nangyari? Siyempre, bago dumating si Ate Glo, maaga pa ay naroon na sina Kuyang Jerry, Board Member Ric Yabut, na napabalitang tatakbong Congressman ng kuwatro distrito at napansin na rin ang nagbabalik pulitikang si Dan Gallardo, ang ating kaibigan na gustong maging vice mayor muli ng ating mga kababayan sa mungkahi ni Kuyang Jerry. Of course. Naroon din ang mga konsehal ng bayan. Pero kapansin-pansin na sa paghahanda, pag-aasikaso sa okasyon ay wala ang ibang konsehal tulad ng atin katotong si Andy Gulapa.

Kung tutuusin at karapatdapat naman na ang mga nabanggit na opisyal ang maging bida dahil sila ang naghanda, nagsaing pero nang maluto tila yata hindi ang grupo ni Kuyang ang kumain.

Eh, sino? Si Konsehal Andy Gulapa at si Congresswoman Anna York Bondoc. Ba, sukat ba naman na nang bumaba si Ate Glo sa kanyang coaster ay kasama niya sina Dra. Anna at Konsehal Gulapa.

Siyempre, sa pagdating ng Pangulo, tuloy-tuloy siya sa entablado. Pero nakakatuwa, nakasunod sa likod ng Pangulo sina Bondoc at Gulapa. Siyempre si Bondoc ay congresswoman at si Gulapa ang minamanok niya sa pagkamayor. Si Gulapa pumuwestong mayor? Hindi, Aling Iska, magaling lang siyang kumuha ng puwesto sa entablado. Malay natin baka matiambahan rin ang puwestong gusto niya sa munisipyo. Puwede o hindi puwede? Candabenio lang ang makapaghuhusga. Bilog ang bola.

Kasi naman Aling Iska, sa tingin kasi ng maraming media na nagpatrolya sa Candaba, si Gulapa ay agaw eksena at astang bida. Ang tamis ng kanyang mga ngiti at diretso lang ang tingin. Buti nga, Aling Iska, diretso lang ang tingin at hindi duling. Anyway, konsehal din naman si Gulapa sa bayan ng Candaba.

Eh, saan napunta si Kuyang Jerry? Sa panahon ng photo-ops siyempre bida si Ate Glo at ang mga nasa background -sina Dra. Anna at Konsehal Gulapa. Nasaan nga si Kuyang Jerry? Nasa gilid lamang ng entablado at tila nagpapasalamat sa pagdating nilang lahat -kasamahan at mga kalaban sa pulitika.

Well, Aling Iska, this is politics of opportunism and political bluff. Umeeksena, bumibida at nagpapatawa.In the world food programme in Candaba, there is this world of politics, full of fun and intrigues.

Well, anyway, sa pulitika, kanya-kanyang gimik lang, Aling Iska. Malay mo bumenta ang instant propaganda para makuha ang interes sa pulitika.

Sana man lang tumutulong sila at hindi lang puro dada. Nung dakal man salita, dakal mu naman ing gawa, kaysa doon sa maraming dada, wala sa gawa.

Sumulat at lumiham sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920

Thursday, October 15, 2009

Water gates scandal

Pinagtibay ni Pangulong Arroyo ng kanya itong atasan si Budget Secretary Rolando Andaya na palabasin ang P50-milyong piso para sa rehab ng Gugu dike kabilang na nga rito ang paggawa ng mga water gates.

Ibig sabihin, Aling Iska, kabilang ang water gates sa inaprubahang PWater gates scandal

Watergate is a general term used to describe a complex web of political scandals between 1972 and 1974. Watergate" is a general term used to describe a complex web of political scandals between 1972 and 1974. The burglary and subsequent cover-up eventually led to moves to impeach US President Richard Nixon. Nixon resigned the presidency on 8 August 1974.

Aling Iska, ang husay mo sa kasaysayan ng America. Pusang gala ka, huwag kang maingay, sinaliksik ko lang iyan sa Wikipedia.

Pero ang tanong Aling Iska, nasaliksik mo na ba ang ‘water gates scandal’ daw sa Gugu dike sa makasaysayang bayan ng Bacolor?

Ba, nabasa ko iyan kahapon, sa sulat ni kapatid na Joel na may ulat na galing kay Rop Siquia, mariing kinukuwestiyon ni Kapitan Jomar Hizon, na siya ring pangulo ng Liga ng mga barangay sa Baculud ang program of works sa rehabilitasyon ng Gugu dike.

Bakit naman Aling Iska? Sa program of work na pinagbabatayan sa rehabilitasyon ng Gugu ay nawawala ang plano para sa water gates.

Bakit dapat isama ang water gates? Una ang sabi ni Kapitan Jomar malinaw na pinag-usapan sa lahat ng mga naging pagpupulong, caucus at komperensiya. Ang alin? Ang paggawa ng water gates. Ito anya ay nabanggit, alam at 50-milyon. Tumpak iyan kung susundan natin ang mga pahayag ni Kapitan Jomar na saksing tunay sa mga naturang pag-uusap ukol sa Gugu rehab.

Isa pa, ang Water gates ay may napakahalagang ginagampanan sa kapakanan ng mga magsasaka. Ito ang buhay ng agrikultura sa Bacolor. Kung walang water gates, paanong mapapatubigan ang libo-libong hektarya ng lupa? Paano magkakaroon ng control sa tubig na nagmumula sa Gugu river?

Eh, bakit naman tila yata, ayaw tumupad sa mga naging usapan ang DPWH gayong ang water gates ay isa sa kanilang napagkasunduan? Sa anumang pag-uusap ay dapat magpakatotoo ang bawat panig para maiwasang sumiklab ang digmaan o hindi pagkakaunawaan.

Don’t worry, be happy, ito naman ang buod ng mga pahayag ni Congressman Dong Gonzales, ang punong abala na may akda ng Bacolor Rehabilitation Council.

Kailangan nga aniya ang check gates o water gates pero….. Pero sa susunod na lang na release ng pondo.

Ibig sabihin, hindi kukunin ang pondo sa P50-milyon ang pagpapagawa ng mga water gates.

Sa puntong ito, ano ba talaga kuya? Sino ba ang nagsasabi ng totoo batay sa kanilang mga nagging pag-uusap sa planong pangrehabilitasyon ng Gugu?

Sa palagay ko, sa puntong ito ay sisiklab ang mainit na kape at balita sa pagitan ng DPWH at ni Kapitan Jomar. Siyempre kailangan ding ipaliwanag na mabuti ni Congressman kung bakit hindi nakasama ang water gates sa pondong P50-milyon gayong malinaw ang kanilang usapan.

Mayroon kayang hokus-pokus o mayroon lang tayong hindi pa alam sa ganitong usapang teknikal o pang enhinyero.

Kailangan pong magpaliwanag kayo sa umusbong na water gates scandal.

Hintayin natin ang palitan ng paliwanag sa kanilang pagitan, abangan!!!!

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920






Board Member JQ ‘pinawalang sala’

MATAPOS ang ilang buwang kontrobersiya,si 3rd District Board Member Johnny Quiambao, mula sa Canada ay ‘pinawalang sala’ ng hukuman sa kasong panggagahasa, masakit sa pandinig ng isang kagalang-galang na bokal lalo na at ito aniya di umano ay salat sa katotohanan at gawa-gawa lamang ng malikot na kaisipan ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

Linawin natin Aling Iska? Anong ibig mong sabihin sa salitang pinawalang sala. King kapampangan nung intindiyan mu ya naman, ing walang sala, ing buring sabiyan, atiu ya king kadalumduman. Ibang sala naman iyon, Aling Iska. Iyong sala na binabanggit ay salitang ugat ng kasalanan. Ibig mong sabihin si Board member JQ ay walang ugat ng kasalanan sa isyung kanyang kinasangkutan?

Iyan ang maliwanag na lumalabas sa kinahinatnan ng kaso. Bakit kamo? Sabi kasi sa Affidavit of desistance ng nagsasakdal ay ‘misunderstanding’ at ‘misapprehension’ang nangyari sa pagitan nila ni JQ. Pero may nangyari? Oo, may nangyaring hindi pagkakaunawaan. So ibig mong sabihin, ngayon nagkakaunawaan na sila dahil ayos na. Ayos na brod.

Balikan natin iyong salitang ‘pinawalang sala’. Baka ang ibig mong sabihin sa pinawalang sala ay walang sala-wal. Grabe ka naman brod., wala na ngang sala, pinaghuhubad mo pa ng salawal.

Kalokwan mo bro, ot asabi mu ita? Loko ot makanian ka? Ba, Aling Iska, sa tono ng pananalita mo, ako pa ngayon ang berde ang utak. Bakit? Sino ba ang utak ng di umano ay kumalat na black propaganda laban kay Board Member JQ. Ba, ala kung balu ken. I JQ, balu ne, ena ya buring sabian, pota pin naman sa halip na yari na, wala na siyang sala, humaba pa. Maulit na naman. Ang Alin? Iyong walang sala-wal, hindi iyong black propaganda.

Batay nga sa ating panayam kay Board Member JQ, pinabulaanan niya ang lahat ng bintang laban sa kanya at lahat ng binabanggit sa reklamo ng minor de edad na nagsakdal ay gawa-gawa lamang ng mapaglarong isipan na nagnanais siyang pabagsakin sa masalimuot na mundo ng pulitika.

Sa ibang pakahulugan naman ng pinawalang sala ay nawalang liwanag. Bakit naman nakarating ka sa nawalang liwanag. Alam mo sa exclusibong panayam ni Aling Iska, kasama sina tatang Jovy, Bong at Joey. Ang dami niyo pala, akala ko sabi mo eksklusibo. Oo nga exclusive sa aming apat. O sige, anong eksklusibong sinabi niya sa inyong apat.

Alam mo aling Iska, ang sabi ni Board Member JQ, simula nang sirain siya ng makalaban sa pulitika at mabalitaan nila ng kanyang pamilya ang nasabing sumabog na kontrobersiya habang kasama niya ang kanyang mag-anak sa Canada, adwa ya kanung bulan atiu king dalumdum. Kaya nung lawen me rugo, mengayayat ya, siguro king kakaisip uling pati ing keying pengari migkasakit ya at ing pamilya na tune lang menamdaman king milyari pamanyira kanu kaya.

Ah, makanian rugo, makalunos neman rugo y JQ. Kaya pin, masakit at masakit ing makipagkaluguran kareng anak. Kasi ing tutuna, malugo ya rugo kareng anak y board member, kaya eta naman rugo didinang malisya.

Walang malisya! Ang malisya ay nasa isip lang ng taoooo…!!! Tama ka riyan, kaya yayamang isinara na ng hukuman ang kontrobersiya at pinawalang sala, hindi pinawalang sala-wal si JQ, ay tapusin na po natin ang isyung ito. Sa in, case closed!

Wa pen, akalimuan me ne rugo ing kuwento ng JQ, Atsi kung Iska, ikang migpayalalang pasibayu. A makanian!! Wa pin pala ne. O sige ustu na.

Wakasan natin sa ganito: Napatunayan ng hukuman na si Johnny Quiambao ay inosente sa mga ibinintang sa kanya kaya siya ay pinawalang sala at maaaring bigyan siya ng premyo na isa pang termino bilang bokal sa kapitolyo.

Kung may puna, pasensiya na, tumawag sa 09063900920 o lumiham sa joeley01@yahoo.com.

3 Rs - Relief, rehabilitasyon at rekonstraksiyon

PAGHUPA ng tubig-baha, kapag ubos na ang bigas, noodles, kape at sardinas, paano na kaya?

Ito ang katanungang bumabagabag sa isipan ng mga nasalanta sa ilang linggong hampas nina Ondoy at Pepeng.

Sa ganitong mga kalamidad, karaniwan na ang pagbibigay ng emergency relief assistance, isang pansamantalang tulong na pantawid-gutom na galing sa pamahalaan at mga pribadong samahan at indibidual na may puso para sa iba, na nabiktima at napinsala.

Pero iyan ay pansamantalang lunas lang sa kumakalam na tiyan, ang tunay na problemang kinakaharap ng ating mga kababayan at maging ng pamahalaan ay ang rehabilitasyon at rekonstraksyon. Kaya 3 Rs ang kailangan – Relief, rehabilitasyon at rekonstraksyon.

Mayroon kayang pera ang mga pamilyang biktima para muling simulan ang kanilang buhay? Mayroon kaya sila gagamitin para muling itayo o kumpunihin man lang ang kanilang nawasak na tahanan? Paano na nga kaya nila sisimulan ang bukas na naghihintay?

Batay sa mga anunsiyo, ipapasa ng kamara at senado ang halagang P12-bilyong piso para sa Calamity Fund ng nasyonal na pamahalaan para muling ibangon ang bansa mga pinsalang dulot ng kalamidad sa pamamagitan ng rehabilitasyon at rekonstraksyon.

Tama rin po ang pagbubuo ng isang Special Commission para sa rehabilitasyon at reconstruction program na pinirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo noong isang araw na pamumunuan ni Ginoong Manny Pangilinan, isang matagumpay na Pilipino at Kapampangang mamumuhanan sa ating bansa.

Batay sa ulat, ang commission ay responsable sa paghahanap ng mga donor agencies at grants sa lokal man o maging sa mga international communities.

Huwag nating sabihing kaya na natin, ang sabihin natin ay mas kaya natin kapag ang lahat ay nagtutulungan anuman ang kulay ng balat at rasa ang pinanggalingan.

Tinatayang mahigit sa bilyong piso ang nasira at winasak ng mga bagyong sina Ondoy at Pepeng.

Tiyak na kanya-kanyang diskarte ang mga opisyal ng pamahalaan kung paano nila ipatutupad ang mga programang pangrehabilitasyon at rekonstraksyon sa mga nasirang tulay, gumuhong bundok at nawasak na tulay pati ng iba pang infrastraktura na pag-aari ng pamahalaan tulad ng maga eskwelahan, pagamutan at ibang pampublikong tanggapan at ang mga bumigay ng dam.

Nawa ay muling magbangon ang bansa sa tindi ng mga naging pinsala. Isa sa mga matindi ring tinamaan ay ang sector ng agrikultura. Bilyong piso rin ang nawala sa ating mga magsasaka sa Luzon.

Kaya sa ating mga kababayan at sa pamahalaan, tama po na bigyan ng relief assistance ang mga biktima pero sa kabuuan mas pahalagahan po natin ang rehabilitasyon at rekonstrakyon program para sa pangmatagalang tulong at panghabangbuhay na pagbangon tungo sa kaunlaran

Sa mga nakaraang taon at mga buwan, matagal na pinag-usapan ang climate change at maging ang epekto nito. Pero tila yata hindi napaghandaan ang epekto ng pagkasira ng kalikasan dahil lahat ay nabigla at ang pamahalaan ay ngayon pa lang kumikilos at tila yata hindi naging handa.

Well, at this point Aling Iska, hindi na panahon ng sisihan. Panahon na para magtulungan ang lahat ng mga Pilipino at ipakita ng pamahalaan na sila ay nasa sentro ng laban para pangalagaan ang kalikasan.

Kaya ang climate change ay huwag lang pag-usapan, magpatupad ng mga epektibong programa para kaharapin ang suliranin sa climate change dulot ng global warming.

Lahat ng mga Pilipino ay kailangang magkaroon ng partisipayon sa rehabilitasyon at rekonstraksiyon.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

MORALES - MORALES = DEE beginning!

Sa loob ng nakaraang labing limang taon sa bayan ng Mabalacat kung may isang taong mapalad at suwerte sa pulitika ay walang iba kundi si Mayor Marino "Boking" Morales.

'Ken mu waring Mabalacat atsi kung Iska? O nokarin pa? King buong Pilipinas. O bakit? Iya kasing linampas. Nokarin? King dapat sanang atlu mung ukdung pamanungkulan o kabuuang siyam a banua anti mong alkalde ning Mabalacat. Ha, okey,iyang linabag? Nang linabag, iyang misuwerte.

Ba, Aling Iska, tingnan mo naman ang Mabalacat. noong 1995, nagsimulang mayor si Boking P22-million lang daw ang income pero ngayon ha, habang binabasa mo ang pitak na ito, umabot na sa P400-million ang kita ng Mabalacat.

Eto, pa sa Nobyembre 11, pag-uusapan na sa Kongreso ang cityhood ng Mabalacat, kung suwerte pa, bago ang May 2010 elections siyudad na raw ang Mabalacat na tinatayang aabot na sa P700-million ang kita.

Oy ni ing bie Mabalacat. Maligaya, masarap keng kapampangan, kaniaman tuknang Mabalacat. Pero, alam mo Aling Iska nang makausap ko si Mayor Boking may lungkot sa kanyang mga mata, parang mahapdi ang kanyang nadarama.

Bakit naman? Kasi naman may makakatapat na si Mayor Morales. Sino si Anthony Dee? Puwede pero hindee. Sino nga ang kulit mo? Si Marjorie. Si Marjorie Barreto dating asawa ni Dennis Padilla. Uy ha, showbiz ka ha. Imposible, konsehal iyon ng Caloocan. Aling Iska kanina ka pa. Sino nga? Si Marjorie Morales. Si Marjorie na asawa ni John Sambo na anak ni Mayor Morales!!!

Tumpak. Diyusmiyo Aling Iska, kapag ka ganoon kaninong boto ang mababawasan? Kay Morales. Kanino madaragdag kay Marjorie Morales. Kaninong supporters ang babaligtad? Kay Morales pupunta kay Morales. Ibig mong sabihin maaaring mahati ang boto ni Mayor Morales, kung hindi man mahahati, mababawasan.

Siyempre, hati ang pamilya, hati ang boto. Kapagka ganoon, puwedee ng tumakbong muli si Anthony Dee bilang alkaldee. Ano ang pormulang gagamitin? Simpleng-simple, eto: Morales - Morales = DEE beginning.

Kaya kung ako kay Marjorie, tigilan niya ang kanyang kahibangan. Ang kanyang gagawin ay isang "kiss of death" hindi lang ng kanyang ambisyon kundi ng mga pangarap pa ng kanyang ama para sa Mabalacat.

Isa pa, paanong sasabihin ni Marjorie sa bayan na marunong siyang tumingin sa pinanggalingan kung mismong ama niya ay kanyang lalabanan?

Sa banal na kasulatan ay nasusulat ang ganito. Ang paggalang sa magulang ay ang unang utos na may pangako. Ano ang pangako? Hahaba at lalawig ang buhay ng anak. Subalit... ano pa? Basa!! Subalit, ang sinumang lumapastangan sa kanyang ina o ama ay walang pagsalang mamatay.

Hindi po si Aling Iska ang may sabi niyan. Iyan po ay mga katagang halaw sa mga banal na kasulatan.

Kaya kay Marjorie, hindi po mabuting halimbawa lalo ng sa mga anak na kabataan, lalo na sa inyong mga anak ang paglaban sa magulang sa pulitika man o maging sa inyong sariling sambahayan.

Well, in DEE end, sabi naman ni Mayor Boking, blood is thicker than water. Ikaw na nga ang may sabi na mahal ka ni Marjorie pero mas mahal niya si John. Hanggang kailan? Hanggang saan? In DEE end or in DEE beginning.

Sayang!!! Bago po ninyo pangarapin na lunasan ang gusot sa bayan, ayusin po muna ninyo at kumpunihin ang sira-sirang bahagi ng inyong sambahayan.

Dahil kung hindi. Hindi lang nakakahiya na ibinibilad ninyo sa publiko ang inyong personal na galit sa inyong ama, kung totoo man. Ito rin ang simula ng inyong wakas. DEEs is DEE beginning of your end in politics. Baka ito na ang tamang pagkakataon para kay Ginoong Anthony DEE. Baka magbago rin ang kanyang plano. Gustuhin na niyang lumaban hindi sa pagka-vice mayor, kundi mayor as usual. Just a reminder to the Moraleses.

Kasi naman ang gamot sa taong nakakalimot sa pinanggalingan ay paalala.

Bawal ang pikon.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Saturday, October 3, 2009

Si Jomar at ang pagbabagong liderato ng Bacolor

Ang makasaysayang bayan ng Bacolor , na minsan ay naging kabisera ng ating bansa ay nahaharap sa pagbabago ng liderato sa hinaharap na taon.

Isa sa mga nais maghandog ng kanyang paglilingkod bilang susunod na punong bayan ng Bacolor ay ang iginagalang na si Jomar Hizon –kapitan ng Cabalantian- Pangulo ng Liga ng mga Kapitan sa kanyang bayan.

Sa mga nakaraang mga araw at taon ng kanyang pagsisilbi sa bayan, si Jomar ay kinakitaan ng pagiging matapat at masigasig sa paglilingkod sa kanyang mga kababayan.

Para sa mga Bacolorenos, si Jomar ay maituturing na isang tunay na anak ng Bacolor dahil taglay nito ang katangina ng pagiging isang masigasig o yaong tinatawag nilang ‘dynamic leader’. Si Jomar para sa kanyang mga kababayan ay isang punong may mabuting at matatag na karakter.

Lumaki siya sa isang tahanan na nagmulat sa kanya ng maging makatotohanan sa kanyang sarili, sa kanyang sambahayan at maging sa mga mamamayan sa kanyang bayan.

Lumaki siya sa isang pamilyang pinanday ng panahon sa katapatan, sa kasipagan, sa pagmamahal sa kapwa at sa Dakilang Lumikha.

Kaya si Jomar ayon sa ating pananaliksik ay isang punong tapat sa kanyang pangako. Siya na Kapitan ng Cabalantian ay may mataas na moral na tumitindig ng matatag sa mga bagay na kanyang pinaniniwalaan na tama at marangal kahit na siya ay magtiis mapatunayan lamang niya ang kanyang paninindigan.

Sa kabila nito, si Jomar ay isang taong may paggalang sa kapwa. Tinatanggap niya ang anomang responsibilidad at ginagawa niya ang anomang dapat gawin batay sa kung ano ang tama at napapanahon sa ikabubuti ng lahat at sa ikapapanuto ng kanyang nasasakupan.

Siya ay isang uri ng masigasig na lider na may pantay na pagtingin sa tuntunin at mga batas. Kanya itong matapat na ipinatutupad sa ngalan ng katarungan at tapat na paglilinkod sa bayan.

Si Jomar ay may pusong nagmamalasakit sa kapakan ng kapwa, mapagpaumanhin at higit sa lahat isang taong mapagpatawad.

Siya ay isang puno na handang makisama at makipagtulungan sa ikasusulong at ikabubuo ng maunlad ng bayan.

Lagi niyang isinasaalang-alang kung ano ba ang mahalaga sa buhay at pamumuhay ng kanyang sambahayan at mga taong nasasakupan.

Nakikinig din siya sa mga mabuting panukala at sa mga magandang suhestiyon na nagmumula sa mga taong kanyang iginagalang na may magandang pananaw sa kabutihan, sa kaunlaran ng higit na kabutihan higit na nakararami.

Ang mga pinagsama-samang pananaw na makabubuti sa lahat ay kaniyang ipinatutupad bilang prayoridad sa kanyang pamilya, sa kanyang hanapbuhay, sa kanyany paglilingkod sa kanyang barangay at sa mga darating na panahon ay sa kabuuan ng kanyang bayang minamahal- ang Bacolor.

Kaya kung ating susumahin, si Jomar ay isang umuusbong na ‘dynamic leader na may anim na katangian at ito ang mga sumusunod: Huwaran sa pagkakaroon ng mabuting karakter (Model Good Character); mahusay sa paghanap ng lunas sa ibat-ibang bumabangong suliranin (Solve Problems); nagpapakita ng mabuting pakikisama sa kapwa (Foster Positive Relationship); marunong mag-ayos ng gusot ( Manage Conflict); Marunong bumuo ng samahan sa paggawa (Build Teams) at nagtuturo ng magandang panukala sa kanyang mga kasamahan ( Educate peers).

Kaya mapalad ang Bacolor dahil isa sa kanilang pinagpipilian na magiging susunod na mayor ng Bacolor ay ang kanilang kaibigan; ang taong kanilang maasahan; ang taong matatag sa paninindigan para sa kaunlaran ng bayan ng Bacolor – siya si Kapitan Jomar, nagmula sa respetadong angkan ng mga Hizon na kilala sa pagiging “Pampanga’s Best”.

Usap-usapan sa Pampanga (Part 3)

Galit ang Bundok Arayat!

KAHINDIK-HINDIK. Nakapangingilabot, makataas balahibo ang pakiramdam kung iyong masasaksihan ang paghukay sa mga bangkay ng mga nasawi sa sandaling pagdagundong ng mga gahiganteng bato at tila kumunoy na lapot ng putik na rumagasa sa barangay San Juan Bano, Arayat, isang maliit na pamayanan sa paanan ng Bundok Arayat.

Habang pinagmamasdan ng mga kaanak ng labindalawang biktima ng pagragasa ng makapal na lupa mula sa itaas ng Bundok Arayat, iba ang iyong mararamdaman, may mga katanungan na sumasagi sa isipan ng mga nakasaksi sa tindi ng galit ng kalikasan. Sino ang may sala? Sino ang dapat sisihin? Ano ang dahilan ng trahedya? Ito ba ay galit ng kalikasan? O isang trahedayang tao rin ang may pakana?

Sa ginawang inisyal na imbestigasyon ni Aling Iska, sinasabing may mga nagnanakaw sa mga likas na yaman ng kabundunkan kaya ito ay ginamitan di umano ng dinamita na pinasabog sa kasagsagan ng pagkulog at pagkidlat samantalang sinasalanta ng bagyong Ondoy ang ating lalawigan. Matagal na di umano ang nangyayaring illegal na pagmimina sa Bundok Arayat.

Sa tindi rin kahirapan ay hindi naiwasan ng ilang residente ang pagkakaingin, pag-uuling at pagputol ng mga punongkahoy na naging sanhi ng pagkakalbo ng ilang bahagi ng kabundukan. Ito ay tahasang pagyurak at paglapastangan sa inang kalikasan, kay Maria Sinukuan at sa Bundok ng Arayat.

Bakit kaya walang sinuman ang humadlang sa ganitong ilegal na Gawain sa itaas ng kabundukan? Sino ba ang tagapangalaga sa kabundukan? Ayon sa ating pagsasaliksik, ang bundok Arayat ay nasa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kung totoo ang mga illegal na pagmimina at patotroso sa kabundukan, ang mga opisyales ng DENR na nangangalaga sa Bundok Arayat ay hindi lang pabaya, wala rin silang kakuwenta-kuwenta na opisyal ng pamahalaan.

They don’t deserve to stay any minute longer in their air-conditioned room while Mount Arayat suffers a lot due to their blatant neglect to the environment.

Para silang putong walang asukal. Sila ay mga rebultong pipi at bingi. Tau-tauhan. Kung hindi ninyo kayang pangalagaan ang kabundukan ng Arayat, mas mabuti pa na bitawan ninyo ang pangangasiwa at ibigay niyo na lang sa lokal na pamahalaan dahil sila rin naman ang tuwirang tinatamaan kapag nagalit ang kalikasan.

Mag-isip-isip po kayo bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari ang ganitong trahedya? Hindi kaya singilan sa kanilang kamay ang dugo ng mga nasawing biktima?

Nawa, nagsilbi itong “learning experience” sa inyo na nagpabaya sa kagandahan at kabutihan ng inang kabundukan.

Sa mga opisyales ng local na pamahalaan, ito lang ang masasabi natin kung gusto po talaga ninyo na pangalagaan ang Bundok Alaya, mas maganda po na kayo ang mangasiwa, pero hindi rin po dahilan na wala sa inyong kamay ang pangangasiwa para ipagkibit-balikat ang mga nangyayaring illegal sa itaas ng kabundukan.

Kung nagbubulag-bulagan ang DENR, buksan po ninyo ang kanilang bulag na mga mata, kalampagin po ninyo ang kanilang binging mga tainga. Magtulungan po kayo para sa inang kabundukan para hindi po maulit ang galit ng kalikasan. Sa mga residente, huwag po nating pagsamantalahan ang mga punong kahoy sa kabundukan, mana pa ay magtanim ng puno para sa kinabukasan ng inyong pamilya at ng bayan.

Tandaan po ninyo ang Mount Arayat ay isang landmark sa Central Luzon na naglalagay sa bayan ng Arayat sa mapa ng kaunlaran.

Kung may puna, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920