Sunday, August 30, 2009

Si Elaine, ang aking mahal na asawa

Si Elaine Mercado Mapiles ang aking mahal na esposa. Itinuturing ko siyang isang tanging yaman na kaloob ng Ama. Sa kanya, natupad ang nasusulat na ang isang mabuting asawa ay galing sa Panginoon. Si Elaine ang sagot sa aking mga panata sa Panginoon nang ako ay binata pa.

Noon ay laging dalangin ko sa Panginoon na pagkalooban niya ako ng isang esposang mapagmahal at may banal na takot sa kanya, mabuting katuwang, mabuting ina ng aking magiging mga anak. Idinalagin ko ito ng isang Linggo. Sa ikapitong araw siya ay aking nakita sa loob ng kapilya ng Iglesia Ni Cristo. Nasabi ko sa aking sarili na siya ang babaeng hiniling ko sa Diyos, ang katuparan ng aking mga panalangin.

Ito ay isang uri ng pag-ibig sa unang pagkikita. Sa aking puso’y isa siyang babaeng walang kapara. Mahal niya ako, mahal ko rin siya.

Nagmula po kami sa isang relihiyon ng pananampalataya. Kami po ay aktibong maytungkulin sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

Payak po ang aming pamilya. Magkasama kami ni Elaine sa hirap at ginhawa. Salamat sa Diyos sapagkat napagkalooban kami ng tatlong supling na katulad namin ay mga maytungkulin sa Iglesia.

Maligaya kaming nagsasama at sa tulong ng Dakilang Lumikha ay nalalampasan namin ang mga pagsubok na dumarating sa aming sambahayan.

Ang aming sambahayan ay umiikot sa mga aral at kalooban ng Diyos. Nakapaglilingkod kami sa Kanya bilang isang Pangulong Diakuno at diakunesa sa loob ng Iglesia ni Cristo. Ang panalangin ay isang napakahalagang sangkap ng aming sambahayan.

Si Elaine ay mananampalataya, mapanalanginin at isang masipag na diakunesa, katuwang sa pag-aalaga ng mga kapatid sa Iglesia.

Sa aming tahanan, hindi tumitigil ang aking asawa sa paggawa araw-araw. Sa araw-araw, madaling araw pa lang ay kumikilos na ang aking sa asawa para kami na kaniyang sambahayan ay mapagsilbihan sa abot ng kanyang makakaya. Napakasipag po ng aking asawa. Wala na akong mahihiling pa.

Siya ang katuwang ko sa pagtuturo sa aming mga anak ng kagandahang asal at pagkakaroon ng banal na takot sa Panginoon. Ipinadarama niya sa akin at sa aming mga anak kung gaano niya kami kamahal at pinahahalagahan.

Hands on ang aking asawa sa lahat ng bagay sa aming munting tahanan. Napakasarap niyang magluto ng aming pagkain sa araw-araw. Napakahalaga sa kanya n gaming kalusugan kaya ako at ang aking mga anak ay hindi niya kinaliligtaan na paalalahanan na laging kumain sa takdang oras.

Napakasweet ni Elaine. Masarap siyang magmahal. Para sa akin bukod sa aking ina, siya ang pinakamagandang babae sa aking puso. Si Elaine bukod sa aking mga anak ang pinakamagandang pangyayari sa aking buhay. Mahal na mahal ko ang aking asawa. Wala na po akong mahihiling pa dahil isa siyang biyaya kaloob ng Ama.

Kung ako ay bibigyan pa ng isang pagkakataon na makapag-asawa, si Elaine pa rin ang aking nanaisin. Ley, I love you very much. Nobody can upstage you in my heart.

Salamat sa pag-aalaga mo sa ating mga anak. Salamat sa iyong pagiging mabuting asawa. You are one of the best things that ever happened in my life.

Kung may puna ka sa akin na iyong asawa, pasensiya na. Lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com

Wednesday, August 26, 2009

Pulis-Candaba tulog; Pulis-Sta. Ana puwede ng matulog!

KAPULISAN. Sila ang mga alagad ng batas na tapat at maaasahan. Sila ang sandigan ng mga mamamayan, sila ay mga tagapagtanggol ng mga naaapi at bantay ng katarungan at kapayapaan. Saludo ako sa kapulisan kaya wala akong balitang negatibo, ngayon lang siguro.

Eto na, ayusin niyo muna ang inyong pagkakaupo baka kayo mabigla sa unang balita ni Aling Iska.

Diyusmiyo, Rosalinda, alam mo na ba ang balita? Tungkol kanino? Sa mga Pulis-Candaba at Pulis- Sta. Ana. Well, well idol ko ang mga iyan. Kamakailan lang ay pinapurihan sila at pinayuhan na lalo pang magpakasipag sa paglilingkod sa bayan.

Totooooo? Eh, ang balita ko Darna ( Uy, kapuso ka pala Aling Iska?) Sa Candaba ang mga kaibigang pulis ay natutulog paminsan-minsan sa pansitan. At ang mga masisipag na pulis sa Sta. Ana ay maaari na ring matulog sa kangkungan.

Ay, grabe ka naman Aling Iska, iyan ay anong klaseng balita? Totoong nakakasira sa magandang imahe ng mga pulis Candaba at Sta. Ana.

Ang natutulog na bayan ng Sta. Ana (Natutulog dahil sa walang kabali-balita. At iyan naman ang gusto ni Mayor Rommel “Omeng’ Concepcion) ay tunay ngang payapa, ang mga mamamayan ay panatag at nakakatulog ng mahimbing sa gabi dahil sa kakaunti ang mga incidente ng nakawan at kriminalidad.

Congratulations Mayor Omeng at Major Arcega, ang hepe de pulisya. Dahil sa inyo ay payapa ang bayan sa pakikipagtulungan daw di umano ng mga masisipag ding Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na pumapatrolya sa gabi mula alas onse hanggang alas dose ng gabi sa mga ilang barangay ng Sta. Ana. Kaya siguro puwede ng matulog ang mga pulis Sta. Ana, total may guwardiya na.

Ba, kung nariyan na rin ang mga kaibigan at masisipag na RHB na nagbabantay sa gabi, baka nga puwede ng matulog sa pansitan ang ating mga kapulisan.

Hindi naman kaya nakakahiya sa mga Rebolusyonaryong Hukbong Bayan? Habang sila ay nagpapatrolya ay matutulog ang kapulisan.

Sa kasalukuyan, ang mga pulis Sta. Ana ay nagpapatrolya gabi-gabi. Very good. Keep up the good work! Pero nagpapatrolya rin ang mga miembro ng RHB. Salamat din po dahil sa tulong ninyo, tahimik anila at nakakatulog ng payapa ang bayan ng Sta. Ana. Hindi kaya nahihiya ang pulis sa RHB?

Eh, ang Pulis-Candaba? Alam mo Aling Iska, ayaw ko sanang magsulat sa mga pulis Candaba pero bilang isang mamamahayag, ito ay tawag ng katungkulan.

Sa mga nakaraang araw, pusang gala, Santino, alam mo bang may nakakulong sa Candaba? Eh, ano ngayon? Wala lang, nakatakas lang naman sila sa malamig na selda ng Municipal Police Station sa may Poblacion ng bayan ng magagandang lotus at ibat-ibang ibon?

Eto, ang nangyari Darna at Rosalinda, habang natutulog anila ang mga pulis at ang iba naman ay sinasabing nagpapatrolya, sa katahimikan ng malamig na selda ay nilalagare pala ng dalawang pugante ang seldang bakal. Parang si Lupin. Ang galing. Ano pa?

Pagkatapos ng ilang oras na lagarian, ang mga tulog na pulis ay naisahan. Sinasabing sa mismong pintuan, sa harapan ng himpilan ay payapang nagdaan at naglakad ang mga bilanggong uhaw sa kalayaan.

Ha?? I don’t believe it? Make believe Darna, dahil totoo ang kuwento at hindi isang kuwentong barbero. Nahuli na ba Aling Iska? Naabsuwelto na.

Anong reaksyon ni Kuyang Jerry, Aling Iska? Natural, nag-alburuto ang mama dahil sa kabila ng kanilang suporta, eh naisahan pa ang mga pulis na hindi na man tonta.

Isa pa, sa kalaliman ng gabi, alam ba ninyong sa plaza, sa mismong harap ng Municipal Police Station, sa harapan din ng municipal hall ay may nagpapatrolyang mga lahi ni Eva? Isang hukbo ng mga bakla na tila yata naghahanap ng mga ibong masisila.

Nililinaw po natin, hindi tayo kalaban ng bakla, itanong niyo man kay Jema. Ang sa atin ay nagtataka tayo kung bakit hindi naman sila nanganganak ay patuloy silang dumarami at namamayagpag.

Alam ba ninyo na sa mga nakaraang araw at buwan ay laganap sa harapan ng Candaba Police Station, kung hindi man ay sa harap ng luneta at municipal hall ang suntukan, bugbugan, paluan na nauuwi sa asuntuhan na sangkot ang mga kababayang nasa kabataan sa pagitan ng alas diyes hanggang alas dose ng hating gabi.

Nasaan sa gayong mga pagkakataon ang kapulisan na sa bilang ay totoong naragdagan bunga ng pagsisikap at pakiusap ni Kuyang?

Kaya kay Police Superintendent Wilson Santos, wake up sir!! Kay Major Arcega ng Sta. Ana, kulang pa ang inyong pagsisikap dahil sa nahihigitan di umano kayo ng mga masisipag na RHB. Mayor Omeng, totoo nga po bang nariyan sila sa inyong bayan?

Nagtatanong lang pero matawagan po sana kayo ng pansin. There is always a second chance. May this serves as a wake up call to our dear police officers.

Ang pikon ay talo. Tiyak na panalo ang nagbabago. Magbago po kayo.

Kung may puna, sumulat sa joeley01@yahoo.com.

Sunday, August 23, 2009

Botong "Nanay Baby" binibilang na!

Ang isang boto ng isang Filipino ay napakahalaga. Ito ay isang uri ng malayang pagpapahayag ng karapatan sa pagpili ng mga tao na siyang uugit at mangangasiwa ng ating gobyerno. Paano na Aling Iska kung ang iyong isang boto ay hindi kinilala, hindi pinahalagahan sa panahon ng bilangan?

Paano kung marami sila na inagawan ng isang boto? Paano kung aabot ito ng mahigit sa isang libo, dalawang libo at makarating ng lima hanggang sampung libo? Hindi mo ba ipaglalaban ang iyong isang boto kasama pa ng iba pang libo-libong boto na kamukha mo ay nagsulat sa balota ng pangalang "Nanay" o "Nanay Baby"?

Ang pangalang "Nanay" o "Nanay Baby" ay walang ibang pinatutungkulan kundi si dating Board Member Lilia Pineda na lalong kilalala sa naturang alyas o katawagan.

Kung tutuusin, ang nakaupong gobernador na si Eddie Panlilio ay hindi po nandaya, Malinis ang kanyang naging pamamaraan sa kanyang kandidatura. Nakapagtala si Panlilio ng 219,706 votes laban sa naitalang 218,559 boto sa pangalang Lilia Pineda. Ito ang dahilan kung bakit nakaungos si Panlilio ng 1,147 votes. Pero paano na kung binilang noong halalan ng 2007 ang pangalang "Nanay" o "Nanay Baby" na batay sa mga nagmasid ng halalan ay tinaya itong humigit kumulang sa sampung libong boto kung hindi pa nasunog ang mga balota sa bayan ng Mabalacat kung saan ay natalo si Pineda ng 2,985 votes. Sa mga nagsunog ng balota sa Mabalacat, sumaimpiyerno nawa ang inyong ispirito dahil sa sinira ninyo ang boto ng mga taga Mabalacat.

Gayunpaman, kahit pabor pa rin kay Panlilio ang nangyaring sunugan ng balota sa Mabalacat, kailangan pa ring lumabas ang tunay na bilang ng boto sa kabuuan ng lalawigan.

Kaya ang mga Kapampangan ay nagpapasalamat sa Commission on Election at maging sa Korte Suprema dahil sa kinatigan nito ang pag-iral ng katotohanan sa likod ng nangyaring hindi pagbilang sa "Nanay" o "Nanay Baby".

Sa nagaganap na recount ay malalaman na ng kapampangan ang katotohanan. Ang katotohanang naipagkait kay Nanay Baby at ang katotohanang magbibigay halaga sa mga hindi pinahalagahang boto ng mga kapampangan na isinulat sa mas popular na pangalang "Nanay Baby".

Sa tatlong pangunahing naglaban sa pagkagobernador, hindi maaaring ibilang ang alyas na "Nanay" kay Mark Lapid, dahil sa siya ay magiging ama at hindi nanay noong nakaraang halalan dahil sa napabalitaang affair niya noon kay Tanya Garcia. Aling tsismis iyan.

Ba, ang alyas na "Nanay" ay lalong hindi maaaring ibilang kay Panlilio dahil siya isang Father. Father nino? Ni kuwan! Eh sino pa, eddie ng mga anak niya sa simbahan. Kaya nga ang tawag sa kaniya ng mga parukyano ay Among Ed at hindi Madre Ed. Kung Madre baka sa kanya ang "Nanay votes". Pero that is next to impossible. Tiyak na kay Nanay Baby ang botong nanay. Tiyak iyon.

Ang nangyayaring recount ngayon sa Comelec ay isang makapigil hininingang kaganapan dahil lahat ng kapampangan ay naghihintay at nag-aabang kung sino nga ba ang nanalo noong nakaraang halalan.

Kay Panlilio, huwag mo naman sanang husgahan ng pandaraya ang Comelec na nagdeklara sa iyo noong May 2007 election bilang gobernador. Kung aakusahan mo sila ng pandaraya, para mo na ring sinabing nandaya ka rin noon nakaraang halalan.

Let the will of truth take its course. Let us wait and see.

Pero paano na kung si Nanay pala ang nanalo, nasayang ang panahon ng mga Kapampangan, disin sana ay marami ng may sakit ang mga natulungan at nadugtungan pa ng buhay. Marami pa sanang bilyong pisong proyekto ang nakuha ng lalawigan sa patapos na termino ni Pangulong Arroyo. Sayang ang mga nasayang na araw at buwan.

Anyway, kung manalo si Nanay sa recount, better late than never. Naawa ay nangyayari ang recount sa maayos at malinis na paraan para matapos na ang usapan.

Kay Nanay, tama na naging mahinahon at payapa ka sa panahong namamayagpag sa kontrobersiya ng panunungkulan ang kasalukuyang among ng lalawigan. Tama na tumulong ka sa ating mga kababayan sa iyong personal at lihim na pamamaraan.

Kaya ngayon, sa palagay natin, marami ang naghahangad at tumitingin sa itaas na ikaw sana ang manalo sa nagaganap na recount.

Kay Panlilio, nawa ay maging mapagpakumbaba po kayo at tanggapin ang katotohahanan kayo man ang maideklarang panalo o natalo sa recount.

Anyway, hindi naman po hadlang sa pagtakbo ninyo sa pagkapangulo kung kayo man ang magiging talunan sa recount at dagdag pogi points kung kayo pa rin ang ideklarang gobernador sa recount.

The truth will set you free. Nanay na, nanay na, nanay na, Uy, magalit sa iyo si Among, bakit naman siya magagalit? Siya ay isang tunay na ama, isang tatay, isang among ng simbahan. Dati pa iyon, hindi na ngayon.

Pikon?

Sumulat at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920






Thursday, August 20, 2009

GAGARIGANTANG

Frankly speaking all elected officials, upon their assumption to office are threats to their superiors. They are all aiming high, aspiring to the next level.

Pero pusang gala, Aling Iska, ito namang si Vice Mayor Fernando Baltazar Jr. (Ang ganda ng pangalan.) ng Sasmuan ay tila yata hindi na makapaghintay. Sasalitan Filipino, ito palang si Baltazar ay sabik na sabik.

Keng Kapampangan dakal ya kabaldugan ing gewa ng Vice Mayor Baltazar. Nga na ping Jimmy Hipolito, basi king kayang pamaglalawe king keyang camera, ing masanting a lalaking y Baltazar anti yamong maliswas, anti yang ebung bisa ng matdas.

Batay naman kay Marna Dagumboy, itong si Vice Mayor Baltazar ng Sasmuan ay tila isdang kisay ng kisay. Queng Kapampangan, kikiso neng kikiso, anti ya mong asong kahol ng kahol, king simpleng salita-gagarigatiu ne, malituang yapa. Nung ali me pa buri sabian ta. Ing pangadwang ibpa ning balen Sasmuan, talaga anti y among asang bisang gagarigantang.

He is in a hurry. He wants to take over the most coveted political seat in his town. However, in fairness to Baltazar, he has in his possession the legal documents from the Commission on Election en banc affirming the decision of the Comelec second division disqualifying Velasco as candidate for mayor of Sasmuan.

Baltazar has also in his possession the Comelec decision saying that NONE of the contending rivals for municipal mayor of Sasmuan in the May 2007 polls is legally qualified to sit and act as mayor of the town.

Bah! Oo, nga naman Aling Iska, all documents are indirectly and unwittingly favoring Baltazar – being the vice mayor and the ultimate successor of the mayor who was slapped with a disqualification from holding office.

Kung gayon, ano po ang mali sa ginawa ng nagmamadaling si Fernando Baltazar Jr.? Wala naman, brod. Lahat ng dokumento ay mayroon siya, maliban (eto na), maliban sa kautusan ng Comelec Comelec para sa pagpapatupad ng mga nasabing dokumento.

In short, Baltazar is not in possession of the writ of execution ordering all agency concerns particularly the Department of Interior and Local Government to implement the order.

And one thing more, even Baltazar is the direct beneficiary of all the decisions of the Comelec, he has no authority to impose the decision of the commission on his own in the absence of the writ of execution.

And the implementing agency in which the writ of execution should be course through for immediate implementation is not the office of the Vice Mayor but the Department of Interior and Local Government.

All Baltazar can do for now is to hope and pray that the writ of execution be released as soon as possible on or before the May 2010 elections.

Let us put everything in place in Sasmuan. Let us now sow confusion among your people. Let the rule of law takes its course in its proper time.

Huwag po tayong magdali. Hayaan nating maipatupad ang batas ng mga nararapat na ahensiya ng pamahalaan.

Huwag po tayong atat. Kung ang posisyon ng mayor ay para sa inyo, hintayin po natin ng may kahinahunan at kapayapaan. Kung iyan po ay ukol sa inyo, tiyak po iyang ay bubukol sa gustuhin ninyo at sa hindi.

Sa Comelec, nawa ay gawin ninyo ang inyong maayos at napapanahon ang inyong trabaho para hindi magkagulo ang publiko.

Kay Mayor Leonardo Velasco sa mata ng batas sa kasalukuyang, kayo pa rin ang punong bayan ng Sasmuan hanggang wala pang pasabi ang mga nasa mataas na kapangyarihan.

Mabuhay ang mga mamamayan ng Sasmuan dahil marami ang gustong maging punong bayan.

Isa-isa lang, mahina ang kalaban.

Kung may puna, pasensiya, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o tumawag sa 09063900920

Saturday, August 15, 2009

JQ- Hayden Kho ng Pampanga?

KAMUSMUSAN, KAWALANG MALAY, KASARIWAAN ng isang dalaginding, tila pinagsamantalahan at binastos ng isang kuno ay kagalang-galang na bokal ng ating Sangguniang Panlalawigan.

Kung totoo ang bintang, binabastos din ng bokal ang kagalang-galang na konseho ng lalawigan. Huwag naman sana.

Siya, si 3rd District Board Member Johnny Quiambao, maamo, may itsura at di umano ay may pagnanasang sexual sa isang babaeng may kabataan. Siya na nga ba ang Hayden Kho ng Pampanga?

Kung ating paniniwalaan ang isinampang kaso ng dise-sais anyos na biktima, tila nga si JQ na ang “kabalen” version ni Hayden. Itanong mo man kay Kabalen Bong San Pedro.

Sa kuwento ni San Pedro, inilapit niya ang biktima kay JQ, hindi para pagsamantalahan kundi para tugunan ang kanyang mga hinihinging pangangailangan- hindi pangangailangang sexual kundi para sa pag-aaral, hindi ng sex education at para din sa pagpapaayos ng bahay, hindi ang paglalaro ng bahay-bahayan.

Kaya ano po ang ginawa ng magaling na bokal? Inuto-uto, binola-bola, ipinasyal sa mga lugar na hindi pa nararating ng dalaginding hanggang sa mapalagay ang loob at nalimutan ng dalagita na ang hangad niya ay tulong sa edukasyon at hindi sex education.Pero sa halip na tulungan sa pag-aaral ay tila pagnanasang sexual ang nasa dulo ng isipan ng magaling na bokal kaya ang naiturong aral ay sex-education. Siya marahil ay talaga namang bukal ng buhay dahil sa ilang buwan lang ay nabuntis kaagad niya at binigyan ng buhay ang nasa sinapupunan ng isang kaawang-awang dalaginding na biktima.

Sabihin na nating napaibig o nagkaroon sila ng relasyon matapos ang isang gabing ipinasok niya ang biktima sa loob ng malamig na silid kung saan di umano ay sapilitan niyang pinagparausan ang kasariwaan ng katawaan ng kahabaghabag na biktima kasabay ng pangakong ibibigay niya ang lahat ng kanyang magustuhan.

Kaya nang matapos magpakaligaya ang sinasabing Hayden Kho ng Pampanga, binigyan di umano niya ang biktima ng kaunting halaga at ng minimithing cell phone.

Kung ating paniniwalaan ang salaysay ng biktima, naulit ng naulit ang makamundong pagnanasa ni bokal hanggan sa ang binhi ay matanim sa kaibuturan ng katawan ng disesais anyos na biktima.

Ang dalaginding ay biktimang maituturing kahit sabihin pa ng bokal na hindi niya pinilit ang dalagita at kapwa nila kagustuhan ang nasabing buntisan.

Hindi tayo abogado, pero sa ating kaunting nalalaman, ito ay tahasang paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

Kawawa pero tila buti nga kay bokal dahil nilapastangan nito hindi lang ang karapatan ng kababaihan kundi ang kawalang malay ng isang babaeng nasa kabataan.

Kaya kay JQ, ang sinasabi nilang Hayden Kho ng Pampanga, good luck to you, show that you are innocent in polluting the innocent body and mind of the young girl in your district.

Para mo na ring binastos ang mga kababaihan sa iyong distrito, kung totoo ang mga bintang laban sa iyo. Kung totoo nga, nakakahiya ka!

Anyway, Aling Iska, let us give JQ the benefit of the doubt. He is still innocent until proven guilty.

Pero with the way things are going, JQ is being tried by publicity just like Hayden Kho who burningly desired the sexy body of Katrina Halili. How can he be tried in court to manifest his innocence if he is now staying for good in Canada?

Hmm,hhmm… Aling Iska, are you also sexy, beware, you might be the next… What next? Until next issue.

Kung mahapdi ang puna, pasensiya na dahil si Aling Iska ay babae ring katulad nila. Sumulat sa joeley01@yahoo.com

Thursday, August 6, 2009

Panlilio hilo?

How are you, Aling Iska? Long time no see. Well, well, Mr. Joel, still not so pretty but fine. Apparently, I am not like Governor Eddie Panlilio as of today and I wish including tomorrow and the days to come.

Bakit kamo? Ito kasing si Panlilio sa ating pananaw ay tila problemado. Oh, totoo? Hindi siguro Aling Iska. Para ngang wala sa kanya ang mga ibinabatong isyu. It seems for him, all issues are additives to his popularity. To his popularity? I don’t think so. Nahahayag lang ang totoo sa mga kinasasangkutan niyang mga isyu. Anong totoo? Kung anong uring pangangasiwa ang kanyang ginagawa. Mayroon ba siyang ginagawa? Oh, inaasa na lang kay Atty. Vivian Dabu? Bakit mo ako tinatanong Aling Iska? Hindi naman nila ako kaututang dila.

Dahil sa kanyang popularidad courtesy ng isang sikat pahayagan, sa halip na bumalik sa pagkapari, nangangarap ng maging Prisidinti si Tarantang Eddie este si Tatang Eddie. Oh, kung ganoon, Aling Iska, si Panlilio ay hindi lang problemado. Eh ano? Kundi siya ay isang uri ng hito na ibanabad sa asin at suka kaya maaari siyang maging isang …hilong talilong o piniritong hito. Wow, ang sarap noon.

Bakit mo naman nasambitla ang mga salitang iyan, Aling Iska? Well, well Mr. Joel. Ang sabi kasi sa balita ay nakakita siya ng mga mahihiwagang tanda na siya ay pinatatakbo sa pagkapangulo upang isalba ang sambayanang Pilipino.

Darna!! Darna talaga ang arrive niya. Hindi lang siya lasing, bangag-na-bangag ang lolo mo sa kinang ng kapangyarihan sukdulang ipagpalit sa isang bagay na lalong mahalaga sa isang debotong katoliko -ang kasagraduhan ng pagkapari.

Hindi lang niya binastos ang kaparian, minaliit at sukdulang itinakwil niya ang kanyang mga kautusan and he blatantly defies the Canon law which prohibits a man of the cloth from entering the politics of men.

Isa pang problema na lumulutang ngayon ay nagpahayag siya ng pagnanasa na sungkitin hindi na ang kapitolyo kundi ang Malakanyang samantalang wala pa naman siyang napatunayang kakaiba sa kaunlaran ng Pampanga. Maaaring ipagyabang niya ang quarry collection. Iyon ay isang bagay na kakaiba sa mga Lapid pero hindi sa lahat ng mga kapampangan. Dahil kahit sinong opisyal ng pamahalaan tulad ni Vice Governor Yeng Guiao ay maaaring gawin at higitan pa ang kanyang ginawa.

Katunayan, bago pa man lumitaw si Panlilio sa mundo ng pulitika, matagal ng idinimanda ni Guiao ang mga naunang dalawang gobernador dahil sa di umano ay katiwalian sa quarry collection. Nagkataon lang na si Panlilio at hindi si Guiao ang pumalit na gobernador. Pero kung papalarin si Yeng sa 2010, he could strengthen his fight for better governance. Better than the good of Panlilio.

Another Panlilio problem that crops up nowadays is the recount process that will answer the question of who really won the 2007 gubernatorial race.

Sa recount process ay hindi lang pera at talino ang kakampi at kalaban ng magkabilang panig kundi ang nagsusumigaw na katotohanan na dapat malaman ng sambayanang kapampangan.

Naku po, gagastos na nga si Panlilio sa recount, tatakbo pa siya sa pagkapresidente na kung wala kang humigit kumulang sa isang bilyong piso ay magmumukha kang tae sa kubeta.

Kaya ano ang payo mo Aling Iska? Well, well Mr. Joel, ang masasabi ko, umaga na, gising na, magpakatotoo at amining sumemplang siya sa kanyang mga pangarap.

Ang pagtanggap at pag-amin sa isang kabiguan ay hindi isang karuwagan. Kung tatanggapin pa siya sa hanay ng kaparian, bakit hindi siya magbalik, dahil ito naman ang kanyang naunang bokasyon.

Kung ine-etchapuwera na siya, lumaban siya sa pagkagobernador para malaman niya kung mayroon pang isang libo sa mga loyalista niya sa Pampanga. Para mag-kaalaman kung sino ang gusto at sinusuka na sa probinsiya ng Pampanga.

Presidente, imposible. Ito’y isang bagay na hindi lang suntok sa buwan para kay Panlilio. Pero kung magkagayon at doon ang takbo, totoo ngang siya’y isang hilong talilong.

Pikon? I am sorry but that’s my opinion.

Kung may puna, pasensiya na, lumiham at ipadala sa joeley01@yahoo.com o magtext sa 09063900920