Tuesday, August 10, 2010

Suporta kay Luciano, binawi?

SORPRESANG-SORPRESA ako Aling Iska sa balitang binawi raw ng mga empleyado ng CIAC ang kanilang maigting na suporta kay Chichos Luciano, presidente, CEO ng premiadong paliparan sa Clark Freeport sa pamamagitan ng kaniang Union.

Ba!!! Hindi ba nasorpresa din si Chichos sa naunang pagmirma ng mga empleyado sa Letter of Support para sa pagpapanatili sa kanya bilang pangulo ng CIAC. Nasorpresa?
Wa pin naman. Kaya pala peniabbianan ne kanu y Ms. Tessibeth Cordova, human resource manager ning CIAC anyang tanggi yang pumirma at invoke ne ing karapatan na bilang tao at empleyado ning CIAC na base karing write ups. Y Chichos kanu ing anti mong mesiyas a binaba keti labuad para king ikasulong at ikasaplala ning DMIA.

Alelujah!!! Hosanna!!! O sana maretain ya pa!!! Ita ing buri na… este ing buri da…Na ngeni, ali na. Uling nga ra, migising na la king paninap a pangaku na ning mesiyas da patungkol king COLA, PERA, etchetera—etchetera. Bandang huli, natuklasan ng Union, siya daw pala ang unang kumontra na nagsabi sa CIAC board na walang bantayan ang “Wish Ko Lang” ng Union. Ah, kaya pala migising la..

In fairness, ayaw ko ng nagkokomentaryo pa tungkol sa CIAC president. Kaya nais ko na lang bigyan ng daan, ang ipinadala sa aking kopya via email.

Ito ay ang ukol sa Sulat ng CIAC union noong Hulyo 29 na pirmado ng mahigit sa 175 na empleyado na humihiling ng imberstigasyon at pagbawi ng suporta sa kanilang mahal na pangulong Chichos. Basahin ni’yo na. Di ba confidential iyan? Eh, ba’t nila pinadala kay Aling Iska, una sa Balita!!! This is an open-secret letter. Eko masigla, eyu paniabian ing abasa yu. Eda buring pabalu ini.

“Mr. Nestor S. Mangio, Chairman of the Board, Clark International Airport _Diosdado Macapagal International Airport.

Gusto naming ipaabot sa inyo ang aming hinaing sa ginawang pag-aakusa ni Mr. Victor Luciano sa dalawa naming kasamahang sina Reynante Nanquil at Enrico Layug, sa pamamagitan ng paggawa ng mali at gawa-gawang akusasyon, batay sa di umano sa report ng mga empleyado (na hindi naman pinangalanan kung sino-sino) na silang dalawa daw ay nagkalat ng poison letters laban sa kanya.

Nag-imbestiga po an gaming pamunuan sa union at kinausap ang aming dalawang members at napatunayan na sila ay pinag-iinitan lamang dahil sa hidi nila pagpirma sa Letter of Support para sa retention ni Mr. Luciano bilang President eng CIAC.

Kahapon Hulyo 28, 2010, napag-alaman din ng union, sa pamamagitan ng sulat ni Ms.
Tessibeth Cordova, HR manager ng CIAC-DMIA, at ang nasabing sulat kalat na sa Facebook, na siya din po ay pinilt o sinakal sa kanyang karapatan kung pipirma ba siya o hindi sa nasabing Letter of Support para sa pagpapanatili ni Mr. Luciano bilang Presidente ng CIAC.

Sa ganitong pangyayari, kung sinakal nga po ni Mr. Luciano ang karapatan ng isang HR manager, paano po kaya kaming mga maliliit at ordinaryong empleyado ng CIAC? At ito na nga po ang nangyari kina Nanquil at Layug, at sinabihan na nga po sila na kung pipirma lamang sila sa Letter of Support ay ibabalewala ang alegasyon sa kanila.

Napag-alaman din po namin na pinaaasa lamang kami ni Mr. Luciano na ibigay sa amin an gaming matagal nang hinanaing na differentials sa PERA, ADCOM at COLA, gayung siya din pala ang nagrekomentda sa Board ng CIAC na itigil na at huwag nang bayaran an gaming nasabing money claims, dahil sabi ni Mr. Luciano sa kanyang rekomendasyon sa Board, an gaming hinanaing ay walang batayan.

Nabigyan po kami ng lakas at inspirasyon sa panawagan ng bagong gobyerno para sa integridad, laban sa katiwalian, pananaig ng hustisya, katotohanan at karapatan ng mamamayan kasama na ang karapatan para sa desented pasahod, benepisyo at seguridad sa trabaho ng mga manggagawa. Kaya, todo suporta po kami sa tunguhin ng gobyernong Aquino sa pagbabago, na dapat ito po ay pangunahan ng tagapangulo ng mahalagang institusyon ng gobyerno kagaya ng CIAC.

Kung kaya, amin pong hinihiling sa inyong kagalang-galang na opisina na imbestigahan at sugpuin ang pananakal o harassment na dinadanas n gaming dalawang union members at kasali na rin ang ginawaa kay Ms. Cordova.

Dahil po dito, pinaaabot po naming sa inyo na kaming mga officers at members ng SMD ay kusang loob at malayang lumagda sa sulat na ito bilang pagbawi ng nasabing pirma sa letter of support.”

Maraming Salamat po at Mabuhay po kayo!
Ito po ay nilagdaan ng kulang sa 200 miembro at opisyales ng CIAC union. Ot emo rugo tunggayan lagyu, Aling Iska. Diyusmiyo, kagalang menikal ko king kakabasa.

Nung bias kayu manyad kong kopya kaku.
Just email Aling Iska at joeley01@yahoo.com